YouTube star Zeinab Harake dumepensa sa pagbubuntis: Hindi ito karma, blessing ito!

MAINIT pa ring pinag-uusapan sa social media ang pagbubuntis ng YouTube star na si Zeinab Harake.

Last week pa in-announce ng sikat na vlogger na nagdadalang-tao siya ngayon at ang ama ay ang kilalang rapper at miyembro ng Ex-Battalion na si Skusta Clee.

Bago ibandera ng dalawa ang balitang magiging parents na sila ay dumaan muna sila sa matitinding pagsubok kaya marami ang nagulat na sa kabila ng mga nangyari sa kanilang relationship ay nakabuo pa sila ng baby.

Maraming natuwa sa balitang ito pero meron ding nangnega kina Zeinab at Skusta o Daryl Ruiz sa totoong buhay. Ilang bashers pa ang nagsabi na kawawa lang daw ang bata dahil sila ang magiging magulang nito at kung anu-ano pang masasakit na salita.

Sa vlog ni Zeinab na may titulong “Birthday Surprise Revelation,” sinabi nitong maayos na uli ang relasyon nila ni Skusta matapos makapag-usap nang masinsinan. At nito lang daw nagdaang Oktubre nila nalaman na buntis siya.

“Nu’ng nalaman ko ‘yun, actually nakapag-settle naman na kami ni Daryl sa isa’t isa. Dito na siya sa akin nag-i-stay nu’n bago pa namin malaman na buntis ako,” ang lumuluhang pahayag ng vlogger.

“After nu’n, inayos na muna namin lahat ng problem ko sa family ko. Kinausap niya ‘yung mama ko, ‘yung mga kapatid ko, ‘yung daddy ko, sa lahat ng friends ko, sa team ko, sa team niya, and sa family niya,” dagdag pa niya.

Ipinagdiinan naman ni Zeinab na hindi isang pagkakamali ang kanyang pagbubuntis, “Gusto kong sabihin sa inyo na hindi ito mistake, hindi ito karma.

“Blessing ito kay God and ito ‘yung pinakamagandang regalong natanggap ko ngayong birthday ko. Sa 22 years na nabubuhay ako, ngayon lang ako nakaramdam ng excitement,” aniya pa.

Kasunod nito, ipinagtanggol din sila ng ilang kapamilya at kaibigan laban sa mga bashers. Isa na riyan ang youngstar na si Awra Briguela na nagsabing tigilan na ang panghuhusga sa magdyowa.

Nag-post si Awra ng litrato niya kasama sina Zeinab at Skusta at nilagyan ng caption na, “Never judge a person for their mistakes, judge a person on how they fix them because we cannot change anything unless we accept it.

“Always remember that happiness can exist only in acceptance. So happy happy birthday ate ko! 

@zeinab_harake. You deserve everything, okay? I love you both. Congrats, daddy sauce @extraordinaryl and @zeinab_harake,” aniya pa.

Umalma na rin ang kapatid ni Zeinab na si Rana laban sa haters, aniya, “Maging masaya na lang kayo sa tao dahil nagdadalang tao siya. Nakakaloka ‘yung ibang tao akala mo may naiambag sa buhay, e, kung makapag judge akala mo walang ginagawang masama.

“E, ‘di sige na! Kayo na perfect! Nakakahiya naman sa inyo ‘di ba? Wala kayong alam sa buhay niya at wala kayong ambag sa mundo. Ano ambag niyo? Pag chismisan ‘yung mga tao?

“Sa totoo nga lang, ‘di niya kailangan mag explain sainyo kasi sino ba kayo para pag paliwanagan niya? Just saying keep your mouth shut, kung wala kang matinong sasabihin. Tignan niyo din sarili niyo hindi yung puro ibang tao,” matapang na pagtatanggol ni Rana sa kapatid.

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *