Post ng isang Mister sa kanyang Ex-Girlfriend, nagpaiyak at nag inspire sa netizens lalong lalo sa mga couples

DON’T MARRY RICH! BE RICH TOGETHER!!!

Eto ang isa sa mga makabuluhang pahayag ng isang netizen na nag-ngangalang Alfred Ediong, na nag viral kamakailan matapos niyang alayan ng isang emosyonal na post ang kaniyang pinaka mamahal na ex-girlfriend na ngayon ay maybahay na niyang si Sheila Mae.

“This girl was my ex-girlfriend who fought and never leave me when I have nothing to give. I came. From poor family. I was a scholar/working scholar (performing arts) kaya nakapagtapos ako.” pasimula niya sa post, kung saan nagbalik tanaw siya sa kaniyang mga kakumpetisyon sa kaniyang dating nobya.

Photo from Facebook

Pagpapatuloy niya, dahil mayayaman at talagang edukado ang mga manliligaw ni Sheila, ay ilang beses silang pinaghiwalay ng magulang ng babae dahil hindi ito sang-ayon sa kanilang relasyon.

Sa aming pahayag kay Alfred ay ibinahagi niya ang “on and off” na relasyon nila ng dating nobya dahil sa napakaraming hadlang.

“Pinaghihiwalay pa kami ng parent niya at kapatid nya kasi mahirap lang daw ako at walang future daw si misis ko sa akin.” Kwento pa ni Alfred.

Ngunit sa kabilang banda ay patuloy ang paniniwala at pag suporta sa kaniya ni Sheila, na naging inspirasyon ni Alfred na maging masigasig at masipag sa buhay.

Photo from Facebook

Photo from Facebook

“Pero instead na magalit ako, ginawa kung challenge mga pinagsasabi nila sakin,

“Ang inisip ko. Is kailangan kung i prove na mali sila ng akala at hindi nagkamali si misis na ako pinili”

At makalipas ang ilang taong pagdodoble kayod ng dalawa ay nakamit nila ang kanilang dream house, dream car, at iba’t ibang mga pag-aari sa edad lamang na 26 years old!

“This Ex- Girlfriend who is my WIFE now, deserves everything I have..” pagpapatuloy niya sa kaniyang post.

Photo from Google

Photo from Facebook

Ngayon ay parehas na silang matagumpay sa kani-kanilang linya ng mga negosyo, at may dalawang anak na rin!

Lubos namang natuwa at naiyak ang publiko sa kanilang kwento, na nagpatunay na hindi basehan ang iyong estado sa buhay sa pagpili ng iyong mamahalin.

Sa huli ay nagbahagi rin si Alfred ng payo para sa mga couples na patuloy na sinusubok ng panahon, “kung love ninyu sya, fight for it, [huwag kang panghinaan ng loob kapag hinahamak ka ng iba] instead be inspired and make it a challenge to your self because. SUCCESS IS THE BEST REVENGE.”

Photo from Facebook

Photo from Facebook

Sa ngayon ay umabot na ng 13k likes at 18K shares ang post na ito ni Alfred.


What can you say in this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *