Jessy Mendiola reveals falling-out with a friend who “ruined” Luis Manzano’s proposal

Hindi napigilan ni Jessy Mendiola ang maging emosyonal matapos mabahiran ng kontrobersiya ang engagement nila ng fiancé na si Luis Manzano.

Kaugnay ito ng engagement ring na ibinigay ni Luis, 39, kay Jessy, 28.

Ayon sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkakahalaga iyon ng halos limang milyong piso.

Sa YouTube vlog ni Jessy kahapon, December 15, naglabas siya ng sama ng loob tungkol sa hindi pinangalanang kaibigan na pinagbilhan ni Luis ng diamond ring.

Pinangalanan ni Jessy ang Radiant Jewelry na siyang jewelry store kunsaan konektado ang kanyang kaibigan.

September 2019 pa raw nang ipinagawa ni Luis ang customized diamond ring.

LUIS AND JESSY’S BREAKUP IN MAY

Pero naantala ang proposal ni Luis kay Jessy nang humantong sa hiwalayan ang relasyon nila noong May 2020.

Noong panahong iyon, bali-balita sa showbiz circles na nagkakalabuan ang dalawa pero tikom ang bibig ng magkasintahan noon.

Bunyag ni Jessy ngayon: “May 2020, Luis and I went through something to the point na naghiwalay kami.

“And this person from Radiant Jewelry was a good friend of mine. I trusted her. We both trusted her.

“We had good faith in her that’s why siguro Luis chose her to make my ring kasi friend ko siya.”

Saksi raw ang kaibigan niyang iyon sa naging hiwalayan nila ni Luis noong Mayo.

“Kumbaga, nung time na nahihirapan ako, itong tao na ito, nandun siya for me.

“Hindi ko alam kung anong intention niya nung time na yun, but she was there as a friend.”

Ang hindi raw alam ni Jessy, sa kabila ng pagdamay sa kanya ng kanyang kaibigan ay panay raw ang pangungulit nito kay Luis na kunin na ang biniling diamond ring.

Gayong bayad naman na raw ang singsing noon.

Lahad ni Jessy: “During the time na di pala kami okay, siyempre yung ring na fully paid na, nasa kanya na, she kept badgering Luis to get the ring, even nung di pa kami ayos ni Luis.

“Siyempre ako naman, I am not trying to defend Luis… But naiintindihan ko, kung ako yung lalaki and di kami okay ng girlfriend ko, di ko kukunin yung ring because I have to respect my emotions too.

“Kasi nandun kami sa time na di kami sure kung magkakabalikan kami or hindi.”

JESSY’S FRIEND SHOWS HER THE ENGAGEMENT RING

Hindi raw lubos-maisip ni Jessy kung bakit sa gitna ng pinagdadaanan nilang problema ni Luis ay ipinaalam sa kanya ng kaibigan ang tungkol sa engagement ring na binili ng TV host-actor.

“So, nung time na yun na she was there for me, I was always with her, dumating sa point na…

“For whatever reason, I don’t know kung ano yun, she showed me the ring.

“She opened the box in front of me knowing na hindi kami ayos ni Luis. And she let me wear the ring.”

Sa puntong ito ay naluha si Jessy dahil lubha raw siyang nasaktan sa alaalang nakita niya ang engagement ring sa hindi tamang pagkakataon.

Katuwiran ni Jessy: “Can you imagine yung feeling ng babae na hindi ayos ng boyfriend ‘tapos pinasuot niya sa akin yung ring?

“Na naisip mo what could have been? Na kung okay kami ni Luis, magpo-propose kaya siya?

“Kailangan ba umabot sa ganitong point na ibang tao yung magsasabi sa akin about the ring?”

Lalo lamang daw nagulo ang kalooban ni Jessy dahil sa pangunguna ng kanyang itinuring na kaibigan.

“So I was so shocked, nakita ko yung ring, nasuot ko yung ring, binalik ko sa box at binalik ko sa kanya yung ring box.

“At sinabi ko sa kanya na, ‘I do not want to have anything to do with the ring.’

“Kumbaga, para sa akin, tapos na, ayoko na pahabain pa. Kung di man kami magkabalikan ni Luis, okay na.

“But, hindi ko alam yung intention kung bakit kailangan pa sabihin sa akin na meron palang ring.”

LUIS AND JESSY PATCH THINGS UP

Hanggang sa nang magbalikan sina Jessy at Luis, saka lamang daw nalaman ng aktres ang tungkol sa pangungulit ng kanyang kaibigan sa nobyo.

Ani Jessy, “Nagkabalikan kami ni Lu. He got the ring from this sad person… Na-realize ni Luis na I have to get the ring para tapos na.”

Pero hindi raw kaagad nag-propose si Luis kay Jessy.

Paliwanag ng dalaga, “So finally, nung nakuha ni Luis yung ring, it took him months to propose because I had to heal from what happened.

“I had to heal from finding out about the ring even before my love ever got to propose to me.

“Ano nga ba ang reaksiyon mo sa ganun, di ba?”

Bagamat masama pa rin ang loob ni Jessy sa kaibigan, handa pa rin daw sana siyang patawarin ito.

Pero nakuha pa raw ng kanyang kaibigan na ipagkalat umano ang tungkol sa hidwaan nila.

Kuwento pa ni Jessy: “But after a few weeks, after a few days, she started messaging all of my friends, my family, saying na I treated her like a doormat. Na dapat patawarin ko siya kasi ako ang may kasalanan.

“Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko. Pero kung meron man, okay. But do you really have to go this far? Do you really have to do this?

“Kasi kami ni Luis, sa simula, di kami nagsalita. Gusto lang namin fresh start. Gusto lang namin positive lahat.”

Ayon kay Jessy, hindi inintindi ng kanyang kaibigang masakit na napangunahan ang pinaplano noong proposal ni Luis sa kanya.

“Nawala sa amin yung feeling na yun. Yung excitement na luluhod yung lalaki sa harap mo, kinakabahan, di alam kung ano sasabihin sa iyo. Na tatanungin ka niya ng, ‘Will you marry me?’ Nawala sa amin yun…

“Bilang isang babae, pinangarap mo yung milestone na iyon na may isang lalaki na mag-propose sa iyo, na smooth lahat dapat, everything light dapat… Parang yun ang traditional na kailangan mangyari.

“But Luis and I, we chose to move on from it.”

LUIS FINALLY PROPOSES TO JESSY

Naganap daw ang simpleng proposal ni Luis kay Jessy noon pang buwan ng Oktubre.

Mahigit apat na taon na silang magkasintahan at handa nang magpakasal.

“So come October, nag-propose na si Luis in private. It was a simple proposal, it was heartfelt, it was genuine.

“Kahit na alam ko about the ring, the ring is just a ring, but the purpose behind it is more important.

“And yun ang mas tiningnan ko—na meant to be kami ni Luis. Na kahit na malaman ko about the ring, kahit iba pa nagsabi sa akin, nangyari pa rin yun.

“So, nag-heal kami ni Lu.”

Para mawala raw ang “bad memory” kaugnay ng “first design” ng engagement ring, naisipan daw ni Jessy na ipa-reset ito.

Paliwanag niya: “I had this idea that I wanted the ring na magkaroon ng bagong settings… Na ipa-reset yung ring kasi gusto ko na mabura yung anumang sakit na naranasan ko a few months ago.

“Pero siyempre naman, di naman ako balahura or selfish na pipilitin ko pa si Luis na bumili ng bagong diamond.

“Na, oo, at the end of the day, it’s just a diamond. But still, yung practicality man lang na, ‘Huwag ka na bumili ng diamond, Love. I will heal from it. Palitan na lang natin yung settings.'”

JESSY ASKS ANOTHER JEWELRY STORE TO RESET THE RING

Nagpasya nga si Jessy na ipa-reset ang kanyang engagement ring sa Manila Diamond Studio kunsaan isa siyang celebrity brand ambassador.

Ani Jessy, “Manila Diamond Studio was kind enough to help me reset it para ma-erase kung anumang negative vibes na nabigay ng unang setting na galing sa Radiant Lux Jewelry.”

Noong Sabado, December 12, inanunsiyo nina Jessy at Luis na sila ay engaged na.

Naganap ang kanilang engagement shoot sa Amanpulo luxury resort sa Palawan.

Base sa Instagram posts ni Jessy, makikitang naka-tag ang Manila Diamond Studio na bahagi ng team na kanyang binigyan ng credit para sa engagement shoot.

Sa hiwalay na Instagram posts, may congratulatory messages din ang Manila Diamond Studio para sa engagement nina Jessy at Luis.

May close-up shots din ng engagement ring ni Jessy na may nakalagay na branding ng shop.

Inalmahan ng Radiant Jewelry ang “misleading” at “unethical” posts ng Manila Diamond Studio.

Sa pamamagitan ng Instagram post noong December 13, naglabas ng official statement ang Radiant Jewelry dahil sa umano’y pagkuha ng Manila Studio ng credit sa pagdisensyo ng singsing ni Jessy.

Kalakip nito ay ang video ni Luis habang tinitingnan ang engagement ring na nabili mula sa Radiant Jewelry.

Saad pa sa statement, “We are the original creators of the engagement ring of Jessy Mendiola and Luis Manzano.

“In our opinion taking credit for something they did not do is detrimental to the industry that have ring makers who put their heart and soul to their pieces.”

Sa comments section, sumagot si Luis upang depensahan ang fiancée na si Jessy at ang desisyon nitong ipa-reset ang diamond ring.

Ani Luis: “While Radiant did help us procure the main stone, we had a completely different setting , add ons, and design made thru @maniladiamondstudio , so yes, the design Jessy is wearing right now is from her own design and @maniladiamondstudio :)”

Nagkomento rin si Luis na sa vlog ni Jessy ilalabas ang buong detalye hinggil sa isyu.

PHOTO/S: RADIANT JEWELRY

JESSY SAYS SHE CO-DESIGNED HER ENGAGEMENT RING

Sa pagpapatuloy ng vlog ni Jessy, ipinaliwanag ng dalaga na napilitan daw siyang magsalita sa isyu dahil hindi tama na naba-bash sila ni Luis at pati na ang Manila Diamond Studio.

Hindi raw dapat kunin ng Radiant Jewelry ang credit sa original setting ng singsing.

Alam daw ng kanyang kaibigan ang dream engagement ring niya dahil napag-uusapan nila iyon.

Kaya kung iisipin ay maituturing daw siyang co-designer noon.

Giit ni Jessy: “So please do not take the credit on your own. We both designed this ring.

“Hindi kami nagsalita before kasi ayaw namin manira ng business ng ibang tao kahit masakit yung ginawa mo sa amin.

“We would never ever want someone to suffer because of such a little thing, because of a diamond.”

Nilinaw rin ni Jessy na hindi sponsored ang pagpapagawa ni Luis ng singsing sa Radiant Jewelry.

“No, the ring is not sponsored by Radiant Jewelry. It was fully paid and we have the proof…

“I don’t know kung anong legalities ang kailangan tahakin para maplantsa ito nang maayos, but we will see through it.”

Base sa before-and-after photos na ipinakita ni Jessy, may kaunting kaibahan sa setting ng engagement ring niya.

May kalakihan ang tig-isang diamond stone sa tabi ng center diamond stone na gawa ng Radiant Jewelry.

Sa Manila Diamond Studio, tila na-retain ang center stone pero meron itong katabing tig-tatlo na maliit na diamond stones.

Si Jessy rin daw ang pumili na tatlong maliit na diamonds ang disenyo sa gilid ng center diamond piece sa kanyang singsing.

JESSY’S APPEAL TO BASHERS

Sa huli, umapela si Jessy na sana ay tantanan na sila ni Luis ng bashers.

“So I just want people, bashers, fans, or sa kung sino mang curious kung ano ba talagang totoo.

“Eto talaga ang nangyari. Nalaman ko about the ring way before Luis even got the chance to propose to me.”

Dagdag ng dalaga, “Sana hayaan niyo na lang kami maging masaya without bashing us or without spreading hate.

“E, sino ba naman ako para humingi ng favor sa mga bashers or sa mga nega?

“I just want everybody to be happy including this person who ruined the proposal.”

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit at ibang sangkot sa isyu na ito.

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *