Javi Benitez considers himself the “unofficial manager” of Sue Ramirez

Parehong nasa Maynila sina Javi Benitez, 26, at Sue Ramirez, 24, nang magka-community quarantine noong Marso 15.

Since pareho silang taga-Negros Occidental, kinunsidera nilang dun na muna mamalagi habang naka-quarantine ang Manila.

Sa Victorias ang bayan ni Javi, habang sa Sipalay, sa kabilang dulo ng probinsiya, ang bayan ni Sue.

Ang kuwento ni Javi sa press preview ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na Magikland nitong Disyembre 17, 2020, sa Cinema ‘76-Anonas, Quezon City, “We were thinking about it, ‘Sa Negros na lang kaya tayo?’ Di ba? ‘Kasi, kung magla-lockdown sa Maynila, baka puwede tayong umikot sa Negros.’

“Sabi namin, huwag na lang muna. Kasi, baka hindi agad tayo makakabalik—which was true. Dahil ang tagal pa bago bumukas, so mahirap.

“Kaya the first time we saw each other after so many weeks, napakaganda.”

Mahigpit daw silang nagyakapan nang magkita sila muli.

JAVI BENITEZ IS SUE’S “UNOFFICIAL MANAGER”

Interesado ang isang film producer para kuning bida si Sue sa isang mapangahas na pelikula. Okay lang ba iyon sa kanya? Kinokonsulta ba siya ng kasintahan?

Hindi agad nakasagot ang anak ng producer na si Albee Benitez.

“Well… ahh, ako personally, siyempre, as much as possible, ayoko muna. Hahahaha.

“Pero I understand naman na kung very artistic kasi siya, and game naman. You know, Sue is very fearless.

“Sabi ko, for the art, saka okay lang naman. Pero pinag-usapan nga namin… parang naging unofficial manager ako tuloy.”

Para kay Javi, kung ang magiging intensiyon ay para i-boost ang career ni Sue, hindi raw kailangan ng girlfriend niya na mas maging daring dahil hindi naman ito nababakante ng projects.

“Sabi ko, ‘At least, ang career mo, habang umaano pa, huwag na lang muna, di ba? Pag-isipan mo na lang.’ Hmmn… speaking on her behalf. Hahahaha.”

Paano sila ni Sue ngayong Christmas holidays?

“Kasama ko siya in her house sa Christmas eve. And then I’ll spend time sa family ko on Christmas day,” kuwento ni Javi.

“She invited her family sa kanyang bahay. So I’m very proud of her, kasi nakaipon siya.

“Kami, as a family, we’re going out of town. We’ll be back next year na.”

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *