Ion Perez posts holding hands photo with Vice Ganda

Muling ipinagsigawan ni Ion Perez, 30, sa social media kung gaano siya ka-proud sa partner niyang si Vice Ganda, 44.

Sa kanyang Instagram noong Lunes, December 14, proud na ibinahagi ni Ion ang “holding hands while walking” o HHWW picture nila ng It’s Showtime host.

Kuha ang nasabing larawan sa isa sa mga bakasyon nila sa ibang bansa.

Nakasulat sa kanyang caption: “Yung moment na ayoko ng matapos! O loko”

Sumagot naman dito ang Unkabogable Phenomenal Star.

Tila pang-iinggit niya, “O loko! Di nyo kaya!”

Natatawa namang sagot ni Ion: “@praybeytbenjamin di talaga!”

Vice Ganda Ion Perez conversation

Kinakiligan naman ito ng Vice-Ion fans.

Vice Ion fans 1

Vice Ion fans 2

Vice Ion fans 3

TWO YEARS AND COUNTING

Magtatatlong taon na ang relasyon nina Vice at Ion.

Marami ang nagsasabing natagpuan na ni Vice ang kanyang forever kay Ion.

Nitong nakaraang unang bahagi ng Disyembre, ipinaramdam ni Ion kay Vice kung gaano niya ito kamahal.

Sabi niya sa kanyang Instagram post na may caption sa salitang Kapampangan: “Abee ko KALUGURAN ke ini babatak!”

Na ang ibig sabihin nito sa salitang Tagalog ay “Kaibigan ko, mahal ko to sobra!”

Kinakiligan ito ng marami nilang tagasubaybay.

October 25, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang pangalawang anibersaryo bilang magkarelasyon sa isang theme park sa Laguna.

Doon ay muli silang nagsumpaan ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

Marami nang pinagdaanang relasyon si Vice, ngunit kay Ion lang daw niya nakita ang katapatan at ang pagiging proud nito sa kanilang relasyon.

Ang mga dati raw niyang nakaugnayan ay mas ninais itago ang kanilang relasyon o kaya naman ay bawal silang makitang magkasama sa publiko.

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *