Home Filipino Iba’t ibang kahulugan ng ahas sa panaginip, tuklasin

Iba’t ibang kahulugan ng ahas sa panaginip, tuklasin

0
Iba’t ibang kahulugan ng ahas sa panaginip, tuklasin

Dream Interpretation Isyu # 38

Tunghayan natin ngayon ang panaginip na ahas, mula kay Clarissa ng Dubai.

Dear Maestro, 

Lagi po akong nananaginip ng ahas. Ano po ba ang ibig sabihin nito. Tawagin nyo na lang po akong Clariss ng Dubai.

 

KASAGUTAN:

Yamang walang sitwasyon o pangyayari kang inilahad Clarissa, sa halip ay sinabi mo lang na “lagi kang nananaginip ng ahas”. Hihimayin nating mabuti ang kahulugan ng ahas, sa ibat-ibang angulo, diskarte at kumbinasyon, upang masulit naman ang pagbabasa ng mga giliw kong tagasubaybay at ng mga naghahangad na maging estudyante ni Maestro Honorio Ong.

Kung Makalumang Kahulugan o Pang-Tradisyunal ang pagbabatayan ang Ahas sa panaginip ay nagpapahiwatig ng dalawang bagay: Kaaway o kaya’y kainggitan.

Ibig sabihin, may mga lihim at lantarang naiinggit sa iyo kaya ang ahas ay nagpakita sa iyong panaginip. Mag-ingat ka dahil anumang sandali, mula sa araw ng napanaginipan mo ang ahas, maaari kang tuklawin nito. Ibig sabihin lalo ka nilang sisiraan at wawasakin.

Kung napatay mo naman ang ahas sa iyong panaginip at “dinurog mo ang ulo nito”. Ito ay nangangahulugang “yari” at “patay” din sa iyo ang iyong mga kaaway at ang mga taong lihim na naiinggit sa iyo. Kaya nga sa susunod na mga araw, walang duda, “ikaw din ang magwawagi at mapapasa iyo ang huling halakhak.”

Dahil ang ahas ay siya ring tumukso kay Eba sa paraiso ng Eden, kung kaya’t ang tao ay nagkasala, posibleng ding ang ahas ay nagpapahiwatig ng “tukso” o “babala ng makamundong pagkakasala”.

Dalawang bagay ang ibig sabihin ng “tukso” sa iyong panaginip. Una: maaaring ikaw ang matuksong gumawa ng kaimoralan o mga bagay na lihis sa kabutihang asal. At ang pangawalawa:  maaaring ang girlfriend mo, o ang boyfriend mo o ang asawa mo ang “matukso ng ahas”. Sa madaling salita,  “aahasin ka ng isang kaibigan o isang kakilala!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

%d bloggers like this: